Ang Wikang Pambansa, Opisyal at Panturo
Ang wika ay may tatlong uri. Ang mga wikang ito ay batay sa ating bansa at ang lenggwahe. Una ay ang Wikang Pambansa. Ang wikang ito ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pakikilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa. Sa antas ng wika sa Pilipinas, naisakategorya ang pambansang wika bilang pangatlo, kaakibat ng balbal (una), lalawiganin (pangalawa), at ng pampanitikan (pangatlo). Gayumpaman, hindi nag iisa ang Filipino, bilang opisyal na wika ng Pilipinas, ang saligang batas ng 1987 ay nagtakda ng Ingles, bilang isa na rin sa opisyal na wika, kung pahihintulutan ng batas.
Ang pangalawa ay ang Wikang Opisyal. Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama’t hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Dahil ito ay magagamit natin sa pagsasalita at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang wika na ito ay madalas itanong hinggil sa wikang pambansa. Ano ang tinatawag na “Wikang Panturo”? Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagturo silid aralan. Ang tinatag na pabansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang ibig sabihin , may isang wikang panturo- ang wikang Ingles. Nagsimula ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong 3 Mayo 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa ikaapat na taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bilang wikang panturo.
Sa ating bansa ay maraming lenggwahe na ginagamit sa iba’t ibang lugar dito sa PIlipinas. Bagamat ito ay importante dahil ito ay magagamit natin sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ngayon ay ang Ingles na ang International Language na ang gagamitin dito sa Pilipinas. Kahit Ingles na ang ginagamit sa iba, dapat pa rin natin ipaubaya ang ating lenggwahe na Filipino dahil nga tayo ay Pilipinong lahi kaya gagamitin natin ito.
888casino New Jersey Review: Is 888 Casino Any Good?
TumugonBurahin888 Casino Online 하남 출장샵 Review The casino is offering 광명 출장안마 its players 전라북도 출장샵 a fantastic welcome package for 전라북도 출장마사지 new 진주 출장안마 players. 888 Casino has been in the market for quite a while.